Pangulong Marcos tiniyak na gagawin ang lahat para patuloy na maibaba ang inflation

Pangulong Marcos tiniyak na gagawin ang lahat para patuloy na maibaba ang inflation

Patuloy na pagsusumikapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maibaba ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 3.9 percent na lamang ang inflation o paggalaw ng presyo ng mga bilihin noong Disyembre 2023.

Ito na ang pinakamababang inflation na naitala noong nakaraang taon kumpara sa 4.1 percent na naitala noong Nobyembre 2023.

Ikinatuwa ni Pangulong Marcos ang patuloy na pagbaba ng inflation sa bansa.

“Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para pagandahin ang kalagayan ng ating ekonomiya,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa pangulo, ngayong bagong taon, lalo pang palalakasin ng administrasyon ang mga programa para sa agrikultura, at tututukan ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *