3.9 percent inflation rate naitala noong Disyembre; pinakamabagal sa taong 2023

3.9 percent inflation rate naitala noong Disyembre; pinakamabagal sa taong 2023

Mas bumagal pa ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa bansa noong buwan ng Disyembre 2023 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa press briefing, sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa naitala ang inflation rate na 3.9% noong Disyembre, na mas mababa kumpara sa 4.1% noong November 2023.

Ito na ang pinakamababang inflation na naitala para sa taong 2023.

Pasok din ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 3.6% hanggang 4.4%.

Ayon kay Mapa, pangunahing dahilan ng mas mababang antas ng inflation noong Disyembre ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng housing, water, electricity, gas at iba pang fuels. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *