Halos 100 na motorista nahuli sa EDSA Bus Carousel lane

Halos 100 na motorista nahuli sa EDSA Bus Carousel lane

Muling pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na baguhin na ang maling nakasanayan sa pagpasok sa EDSA Busway kung hindi naman awtorisado.

Kahapon sa operasyon ng Special Operations Group-Strike Force, halos 100 na pasaway ang nahuli ng dumaan sa EDSA Bus Carousel lane at iba’t ibang klase ng paglabag sa batas trapiko.

Ayon pa sa MMDA, maging disiplinado at responsableng motorista.

Nilinaw pa ng ahensiya na ang pinapayagan lamang na gumamit ng EDSA Busway ay ang mga pampasaherong bus na nag-o-operate sa EDSA Busway route; ambulansya, fire trucks, sasakyan ng Philippine National Police; at service vehicles para sa EDSA Busway Project (construction, security, janitorial, maintenance services).

Ang EDSA Busway ay pwede ring gamitin ng Presidente, Bise Presidente, Senate President, Speaker of the House of Representatives, at Supreme Court Chief Justice. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *