Archbishop Martin Jumoad hinirang ng Santo Papa bilang apostolic administrator ng Diocese of Pagadian

Archbishop Martin Jumoad hinirang ng Santo Papa bilang apostolic administrator ng Diocese of Pagadian

Itinalaga ni Pope Francis si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis bilang apostolic administrator ng Diocese of Pagadian.

Magsisilbing caretaker ng Pagadian Diocese si Jumoad para matugunan ang pastoral needs ng mga mananampalataya na nasasakupan nito.

Pangangasiwaan ni Jumoad ang diocese hanggang sa makapagtalaga ng bagong Obispo.

Si Jumoad ay nagsilbing Ozamis archbishop simula pa taong 2016.

Ang pagtatalaga kay Jumoad ay kasunod ng pagpanaw ni Bishop Ronald Lunas na nagsilbi sa Mindanao diocese ng halos limang taon.

Pumanaw si Lunas noong Jan. 2 sa isang ospital sa Davao City ilang araw matapos siyang sumailalim sa heart bypass operation.

Ayon sa Pagadian diocese pumanaw ang obispo dahil sa mga komplikasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *