Israel tiniyak ang kahandaan sa anumang scenario matapos mapaslang ang Deputy ng Hamas sa Lebanon

Israel tiniyak ang kahandaan sa anumang scenario matapos mapaslang ang Deputy ng Hamas sa Lebanon

HANDA ang Israeli Army sa anumang scenario kasunod ng pag-atake sa Beirut na ikinasawi ng Deputy Chief ng Hamas.

Isang mataas na opisyal sa Lebanon ang nagsabing nasawi si Saleh Al-Aruri kasama ang kanyang bodyguards sa strike ng Israel, na una nang nagbabala na dudurugin ang hamas matapos ang pag-atake nito noong Oct. 7 ng nakaraang taon.

Hindi naman direktang nagkomento si Israeli Army Spokesman Daniel Hagari subalit sinabi nitong handang-handa sila, depensa man o opensa, para sa anumang maaring mangyari.

Una nang inanunsyo ng Israel ang pagkamatay sa Gaza ng Hamas commanders at officials sa gitna ng giyera subalit si Aruri ang pinakamataas na napaslang sa unang pag-atake sa Lebanese Capital simula nang pumutok ang digmaan.

Dahil dito, pinangangambahang umabot pa sa mas malawak na Regional Conflict ang halos tatlong buwan nang bakbakan sa pagitan ng Israel at Militanteng Grupong Hamas. (Ricky Brozas)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *