Panibagong wave ng COVID-19 sa Metro Manila itinanggi ng DOH

Panibagong wave ng COVID-19 sa Metro Manila itinanggi ng DOH

Itinanggi ng Department of Health (DOH) na mayroong panibagong wave ng COVID-19 na nararanasan sa Metro Manila.

Ayon sa DOH, hindi dapat maniwala ang publiko sa mga kumakalat na mensahe hinggil sa umano ay pagkakaroon ng bagong COVID-19 wave sa NCR.

Partikular na binabanggit sa ipinapakalat na mensahe ang pagtaas ng kaso ng sakit sa St. Luke Medical Center.

Ayon sa pahayag ng kagawaran, walang matibay na ebidensya hinggil dito at wala ring opisyal na anunsyo mula sa health authorities para masuportahan ang sinasabing surge ng COVID-19 cases sa naturang ospital.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa reputable sources.

Ang pagpapalaganap ng misinformation ay maaaring magdulot ng panic at pangamba sa publiko.

Sinabi rin ng DOH na maaaring maharap sa kasong kriminal ang mga nagpapalaganap ng mali at pekeng mga impormasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *