Oil Spill naitala ng Coast Guard sa katubigan ng Davao City
Naglatag ng Oil Spill Absorbent Boom ang Philippine Coast Guard (PCG) para maawa ang pagkalat ng langis sa katubigan malapit sa Davsam Port sa Davao City.
Rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard District Southeastern Mindanao partkular ang Marine Environmental Protection Force (MEPForce) at Special Operations Group (SOG) nito matapos ang ulat na mayroong oil spill sa lugar.
Ayon sa PCG, nakumpirmang may pagkalat ng sludge oil
sa lugar.
Tinatayang aabot sa 200 Cubic Meter ang lawak ng apektadong lugar.
Naglatag na ang mga tauhan ng Coast Guard ng Oil Spill Absorbent Boom at Absorbent Pads para maawat ang pagkalat pa ng langis.
Umabot na sa 30 liters ng langis ang nakulekta ng PCG.
Sa ngayon ay inaalam pa kung saan nagmula ang tumagas na langis. (DDC)