P10.41B na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa ilalim ng Marcos admin noong 2023

P10.41B na halaga ng ilegal na droga nakumpiska sa ilalim ng Marcos admin noong 2023

Aabot sa P10.41 billion halaga ng illegal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula Enero hanggang Disyembre 2023.

Base sa ulat na natanggap ng Presidential Communications Office (PCO) mula sa Philippine National Police (PNP), nasa 27,000 na barangays ang nalinis mula sa illegal na droga.

Ayon sa PNP, 56,495 na mga suspek ang naaresto bunga ng ikinasang 44,000 anti-illegal drug operations.

“Through the consolidated efforts of the Department of the Interior and Local Government (DILG), Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and the PNP, the government cleared 27,968 barangays of illegal drugs, with 23 provinces, 447 municipalities, and 43 cities establishing their respective community-based drug rehabilitation programs (CBDRPs) as of December 27, 2023, ” pahayag ng PCO.

Nasa 74 na in-patient treatment at rehabilitation facilities ang naipatayo ng administrasyon.

Pinagsusumikapan ngayon ng administrasyon na maibaba sa 10 porsyento ang target-listed drug personalities pagsapit ng taong 2028 at makapagpatayo ng CBDRPs at Anti-Drug Abuse Councils sa lahat ng mga probinsya, siyudad, munisipalidad at barangays sa buong bansa.

Target din ng administrasyon na makamit ang 1:1 ratio ng established treatment at rehabilitation facility sa bawat probinsya pagsapit ng taong 2028. (Chona Yu)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *