Budget ng BuCor para sa 2024 umakyat sa P7.4B

Budget ng BuCor para sa 2024 umakyat sa P7.4B

Tumaas ang budget ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa P6.1 billion noong 2023 patungong P7.4 billion ng ngayong 2024 o 23 porsiyentong pagtaas nito.

Ito ang ibinunyag ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. kasabay ng kanyang panawagan ngayong Bagong Taon sa mga opisyal ng BuCor sa headquarters ng ahensiya sa Muntinlupa City.

Ayon kay Catapang bukod aniya sa nasabing halaga, may karagdagang P1 billion budget na ililipat sa BuCor mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa konstruksiyon ng Supermax o mga pasilidad ng heinous crimes o karumal- dumal na mga krimen.

“Napakarami nating gagawin sa BuCor kaya sumakay na kayo kasi baka kayo maiwan,” ani Catapang sa BuCor officials.

Nagsagawa rin si Catapang ng isang command conference para hilingin sa BuCor personnel na bilisan ang kanilang budget utilization and accountability report para sa 2023 upang matukoy ang kanilang pisikal at pinansiyal na accomplishment.

Sa ngayon, ang BuCor aniya ay mayroong obligation rate na 99.81% at disbursement rate na 99.95 na porsiyento.

Binigyang direktiba ni Catapang si Deputy Director, Atty. Al Perreras na agad magpulong sa Program and Budgetting Advicory Committee upang isapinal ang FY 2024 Annual Procurement Plan dahil hangad niyang maisakatuparan ang budget ngayong taon partikular sa mga aktibidad ng programa at proyekto.

Kabilang sa iba pang programa na nais ipatupad ni Catapang ay ang pagsasapinal sa Table of Organization and Equipment upang magkaroon ang BuCor ng pyramidal chain of command; pagdeploy ng K9 sa lahat ng Operating Prison and Penal Farms (OPPFs) sa labas ng Metro Manila;paglagay o pagpapabuti ng CCTV systems sa lahat ng OPPFs upang mamonitor ang National headquarter at command and control center sa Director’s Quarter; makakuha ng earthmoving equipment para sa BuCor’s development projects gaya ng pay loader, backhoe at demo trucks; at pabilisin ang pagpapatitulo sa lahat ng BuCor properties dahil ito ang legal na instrumento nito sa pakikipagtransaksiyon sa mga mamumuhunan at iba pang stakeholders. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *