Taguig LGU nagbukas ng telemedicine hotlines para sa mga residente ng EMBO Barangays
Nagbukas ang Taguig City Local Government ng teleconsultation hotlines para sa mga residente ng EMBO Barangays.
Ayon sa pahayag ng Taguig LGU, biglaang isinara ng Makati City local government ang mga health centers sa EMBO Barangays habang patuloy pa rin itong tumatanggi na i-turn over sa Taguig ang mga naturang pasilidad.
Para matiyak na patuloy na mabibigyan ng atensyong medikal ang mga residente sa EMBO, nagbukas ng telemedicine hotlines ang Taguig LGU para sa kanila.
Bukas ang teleconsultation hotlines mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., Lunes hanggang Biyernes.
Ito ay magbibigay ng mga libreng medical check-up at referral, maging prescriptions at laboratory requests na libre ring makukuha ng mga residente.
Para naman sa mga gustong magpakonsulta ng personal sa doktor, bukas ang mga Philhealth-accredited 31 health centers at 3 superhealth centers ng Taguig at tatanggap sila ng mga pasyente mula sa EMBO barangays kung saan man nais na magpakonsulta ng pasyente. (DDC)