AMLC pinakikilos ni Pang. Marcos para maalis ang bansa global money laundering “grey list”

AMLC pinakikilos ni Pang. Marcos para maalis ang bansa global money laundering “grey list”

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pang ahensya na tiyakin ang implementasyon ng Executive Order No. 33 upang tuluyang maalis ang Pilipinas sa global money laundering grey list ng Financial Action Task Force.

Sa idinaos na sectoral meeting, tinalakay ang pagsasaayos ng finance entities, pagpapaigting ng money laundering investigations, at mahigpit na pagpapatupad ng cross-border measures.

Makatutulong ang pinabuting aksyon laban sa money laundering, terrorist financing, at bulk cash smuggling upang maiwasan ang “blacklisting” na nakakaapekto sa overseas Filipino workers.

Noong June 2021, inilagay ng global money laundering and terrorist financing watchdog Financial Action Task Force (FATF) ang Pilipinas sa grey list.

Mayroong 18 action plan items na inilatag para maresolba ang pagkakasama ng bansa sa grey list.

Sa ngayon, walong action plans pa ang kailangang maresolba. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *