DMW magbibigay ng financial assistance sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa lindol sa Japan
Magkakaloob ng tulong-pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Japan na naapektuhan ang trabaho dahil sa tumamang magnitude 7.6 na lindol.
Ayon kay DMW Sec. Hans leo Cacdac, magbibigay ng financial assistance ang ahensya sa mga OFWs na nasuspinde ang trabaho at hindi napapasweldo.
Gayundin sa mga OFW na tuluyang nawalan ng trabaho ng dahil sa epekto ng lindol.
Para sa mga apektadong OFWs, maaaring makipag-ugnayan sa Migrant Worker’s Office sa Osaka sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa mwo_osaka@dmw.gov.ph o kaya ay sa mwoosaka.welfare@gmail.com (DDC)