Sako-sakong basura nahakot ng MMDA sa Rizal Park na dinayo ng mga tao noong Bagong Taon

Sako-sakong basura nahakot ng MMDA sa Rizal Park na dinayo ng mga tao noong Bagong Taon

Tambak na basura ang nakulekta ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Rizal Park sa Maynila na dinayo ng publiko noong Bagong Taon.

Karamihan sa mga nahakot na basura ay bote, plastik, tirang pagkain, straw, at karton na iniwan ng mga namasyal sa lugar.

Sa paglilinis ng mga miyembro ng MMDA Metro Parkways Clearing Group, winalis, iniligpit, at hinakot ang samu’t saring basura.

Umapela naman ang ahensya sa publiko na ngayong 2024, sikaping maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatapon ng kalat sa tamang lugar at pagre-recycle ng basura na maaari pang mapakinabangan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *