DMW nagbukas ng helpline para sa mga OFW sa western Japan matapos ang naitalang magnitude 7.6 na lindol
Nagbukas ng helpline ang Department of Migrant Workers (DMW) para sa mga overseas Filipino workers sa western Japan.
Kasunod ito ng pagtama ng magnitude 7.6 na lindol sa Ishikawa District sa Central Japan umaga ng Lunes, Jan. 1, 2024.
Ayon sa abiso ng DMW, ang mga OFWs at kanilang pamilya na mayroong katanungan o impormasyon na kailangan, maaaring tumawag sa DMW-OWWA Japan Help desk sa Hotline number na 1348 o +632-1348.
Maaari ding tawagan ang DMW-MWO-Osaka Hotline numbers na +817022756082 at +817024474016.
Ayon sa DMW, patuloy ang kanilang monitoring sa kalagayan ng mga Pinoy sa lugar na naapektuhan ng lindol.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) mayroong 1,300 na mya Pinoy na nasa Ishikawa District sa Japan. (DDC)