Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa layong 84 kilometers northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur, 10:49 ng umaga ng Martes, Jan. 2, 2024.
May lalim na 30 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Ayon sa Phivolcs ang nasabing pagyanig ay aftershock pa din ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur noong Dec. 2, 2023. (DDC)