Presyo ng produktong petrolyo bababa ngayong linggo
Magpapatupad ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Ayon sa abiso ng mga kumpanya, may bawas na 10 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina at 35 centavos naman ang bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Mababawasan din ng P1.35 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Epektibo ang bawas-presyo, Martes (Jan. 2) ng umaga. (DDC)