Pagkakaisa, kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa panawagan ni Pang. Marcos sa bawat Filipino sa pagpasok ng taong 2024
Sa pagpasok ng taong 2024, hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bawat isa na magpakita ng pagkakaisa, kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na sa pagpapalit ng taon, iiwan ang mga hamon at yayakapin naman ang panibagong oportunidad at pag-asa.
Ang panibagong simula ay magbibigay-daan aniya upang alalahanin ang mga tagumpay sa nagdaang taon.
Hinikayat din ng pangulo ang bawat isa na gamitin ang mga karanasan at natutunan sa nagdaang taon.
Panawagan ni Pangulong Marcos sa sambayanan na mag-ambag para sa kinabukasan ng bansa. (DDC)