Kampanya sa “No Registration, No Travel” policy ng LTO muling paiigtingin sa susunod na taon

Kampanya sa “No Registration, No Travel” policy ng LTO muling paiigtingin sa susunod na taon

Pagkalipas ng Christmas at New Year break ay muling maghihigpit ang Land Transportation Office (LTO) sa pagpapatupad ng “No Registration, No Travel” policy.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang mga mahuhuling nagmamaneho ng sasakyan na walang rehistro ay papatawan ng P10,000 multa.

Tiniyak ni Mendoza na simula sa susunod na linggo, muling isasagawa ang ‘No Registration, No Travel’ campaign.

Kaugnay nito ay umapela si Mendoza sa mga may-ari ng sasakyan na tiyaking rehistrado ang kanilang ginagamit na motor vehicle para maiwasang mahuli at mapagmulta.

Ayon sa LTO, mayroong 24.7 million delinquent motor vehicles sa buong bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *