Code White Alert itinaas na ng DOH bilang paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon
Bilang paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon, ay itinaas na ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert para sa kabuuan ng sektor pangkalusugan.
Sakop ng alerto ang mga DOH Central Office, regional offices, DOH hospitals at health facilities sa parehong pribado at pampubliko.
Ang Code White Alert ay hanggang Jan. 4, 2024.
Ang pagtataas ng Code Alert System ay base sa DOH Administrative Order No. 2008-0024 at binuo upang matiyak ang komprehensibo at sistematikong pagtugon sa sakuna.
Ang Code White ay maaaring ideklara kapag may malaking posibilidad ng military operation na may national implication, mga planadong pagititipon o demonstrasyong nasyonal, mga ulat ukol sa bagyo, national o local elections, anumang emergency na potensyal na magdulot ng 10 hanggang 50 na pagkasawi o pagkasugat, impormasyon kaugnay sa pag-atake ng mga terorista, ‘di kumpirmadong ulat ukol sa reemerging diseases at anumang uri ng hazard na maaaring magresulta sa isang emergency.
Ang Pasko at Bagong taon ay parehong national holidays na may pontensyal magresulta sa mass casualty incidents kaya’t kinakailangan ang deklarasyon ng Code White Alert.
Sa ilalim ng Code White Alert ang mga ospital ay inaasahang pagaganahin ang kanilang mga Operations Center (OPCEN) upang patuloy na magbigay-ulat at makikipag-ugnayan sa mga regional at Central DOH OPCENs. (DDC)