Ammonia Leak sa QC iniimbestigahan na ng lokal na pamahalaan

Ammonia Leak sa QC iniimbestigahan na ng lokal na pamahalaan

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa nangyaring insidente ng ammonia leak sa pagawaan ng yelo sa Brgy. San Antonio.

Ayon sa pahayag ng QC LGU, umasiste ang mga miyembro ng QC Disaster Risk reduction and Management Office at Bureau of Fire Protection sa insidente.

Batay sa Quezon City Comprehensive Zoning Code of 2016 ang planta ay nasa ilalim ng Low Intensity Industrial Zone.

Sa Section 21 ng nasabing Code, pinapayagan ang manufacuring ng yelo, ice blocks, cubes, tubes, at crushed maliban lamang sa except dry ice.

Pinayuhan ng Quezon City Health Department ang mga residente naiwasan muna ang nasabing lugar para hindi sila makalanghap ng ammonia.

Kung sakaling ma-expose, pinapayuhan na agad magtungo sa ospital kapag nakaranas ng sumusunod na sintomas:

– ubo
– pananakit ng tiyan
– paltos
– mainit na pakiramdam sa ilong, lalamunan, aat mata
– hirap sa paghinga
– at pagkahilo (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *