Bilang ng mga nasugatan sa paputok, 96 na; 23-anyos na babae nabingi dahil sa kwitis
Isang 23-anyos na babae mula sa Central Luzon ang nawalan ng pandinig dahil sa pagkakalantad sa kwitis.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang pagsabog ng paputok ay nagreresulta ng tunog na 140 hanggang 150 decibels at maaaring humantong sa pananakit at pinsala sa tainga.
Sa Fireworks-Related Incident Report na inilabas ng simula umaga ng Dec. 28 hanggang umaga ng Dec. 29 umabot sa 8 bagong kaso ng pagkasugat sa paputok ang naitala.
Sa kabuuan umabot na sa 96 ang naitalang fireworks-related injuries ng DOH.
Sa nasabing bilang, 33 ay mula sa Metro Manila o NCR.
Karaniwang dahilan ng fireworks-related injuries ay ang mga sumusunod na paputok:
– Boga
– 5-Star
– Kwitis
– Piccolo
– Pla-Pla
– Whistle Bomb
– at Luces (DDC)