Mga otorisadong sasakyan pinag-iingat ng MMDA sa pagpasok sa EDSA Busway

Mga otorisadong sasakyan pinag-iingat ng MMDA sa pagpasok sa EDSA Busway

Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagdaan ng mga otorisadong sasakyan sa EDSA Busway.

Ayon sa MMDA, maliban sa mga pampasaherong bus ay may mga sasakyang pinapayagan sa Busway gaya na lamang ng marked vehicles, gayundin ang sasakyan na gamit ng presidente, bise presidente, senate presidente, house speaker at chief justice ng Supreme Court.

Pero paalala ng MMDA, dapat maging maingat at huwag basta-basta papasok sa linya.

Kasunod ito ng pagsalpok sa railing ng MRT-3 ng isang pampasaherong bus sa bahagi ng Santolan-southbound makaraang iwasan ang police car na biglang pumasok sa EDSA Busway.

Ang nasabing aksidente ay nagresulta sa pagkasugat ng limang katao.

Ayon sa MMDA, na bago pumasok sa busway, dapat tiyakin munang walang paparating na bus. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *