Paputok bawal sa Las Piñas City
Pinaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ang mga Las Piñero na mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok sa lungsod lalo na sa nalalapit na selebrasyon ng Bagong Taon.
Ayon sa paalala na istriktong ipinagbabawal ang paggamit, pagbenta, pagbili at paggawa ng paputok sa Las Piñas City.
Prayoridad ng lokal na pamahalaan ang seguridad at kaligtasan ng bawat Las Piñeros.
Pinayuhan din ang mamamayan nito na patuloy na mag-ingat, maging disiplinado at sumunod sa health and safety protocols. (Bhelle Gamboa)