Pagtakda ng fireworks display zone panawagan ng MMDA sa LGUs

Pagtakda ng fireworks display zone panawagan ng MMDA sa LGUs

Muling nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila na magtakda ng fireworks display zones sa kani-kanilang lokalidad para sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang pagtatakda ng fireworks display zones sa bawat LGU ay magbibigay ng mas ligtas na kapaligiran sa panahon ng pagdiriwang ng holiday.

“Setting up a common fireworks display zone can prevent or lessen fireworks-related injuries. Open spaces or common areas can be designated as fireworks display zones,” sabi ni Atty. Artes.

Sa katagapos lamang na Metro Manila Council (MMC) meeting, tinalakay ni Artes at ng Metro Manila mayors ang MMDA Resolution 22-22 Series of 2022, na panawagan sa Metro Manila LGUs na maglagay ng firework display zone alinsunod sa Republic Act No. 7183 na nagbabawal sa pagbenta, paggawa, distribusyon at paggamit ng paputok at iba pang pyrotechnic devices.

“It is a tradition to use firecrackers and other pyrotechnic devices during the holiday season. There is undeniably a significant number of firecracker-related injuries, casualties, and accidental fires recorded every year in Metro Manila related to the indiscriminate and unregulated use of firecrackers and other pyrotechnic devices,” saad sa resolusyon.

Bukod dito, nanawagan din ang Health authorities sa Metro Manila LGUs na isulong ang Department of Health’s “Ligtas Christmas sa Healthy Pilipinas”, na may tatlong bahagi –Healthy Handaan (feast), Healthy Celebration at Iwas Paputok (avoiding use of firecrackers)” sa kanilang nasasakupang lugar.

Samantala, pinaalalahanan ni Artes ang publiko na wastong itapon ang kanilang basura partikular ang mga nagamit at hindi pa nagamit na paputok sa panahon ng pagsalubong sa Bagong Taon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *