Bilang ng mga nasugatan sa paputok, 88 na; unang kaso ng firework ingestion naitala ng DOH
Nakapagtala ng ang Department of Health (DOH) ng unang kaso ng firework ingestion ngayong tons makaraang isang apat na taong gulang na bata ang aksidenteng nakalunong ng watusi sa kanilang bahay.
Sa datos ng DOH, simula umaga ng Dec. 27 hanggang umaga ng Dec. 28 umabot sa 13 bagong kaso ng fireworks related injuries ang naitala.
Kasama dito ang insidente ng watusi ingestion sa Calabarzon, sangkot ang isang apat na taong gulang na batang lalaki.
Sa kabuuan umabt na sa 88 ang naitalang fireworks-related injuries ng DOH.
Sa nasabing bilang, 31 ay mula sa Metro Manila o NCR.
Karaniwang dahilan ng fireworks-related injuries ay ang mga sumusunod na paputok:
– Boga
– 5-Star
– Kwitis
– Piccolo
– Pla-Pla
– Whistle Bomb
– at Luces (DDC)