P56M na halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite

P56M na halaga ng shabu nakumpiska sa Cavite

Nakumpsika ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit walong libong gramo ng shabu sa isang consignee sa lalawigan ng Cavite.

Matapos makatanggap ng impormasyon mula sa PDEA, isang kargamento ang isinailalim sa x-ray screening at K9 sniffing at may indikasyon na maaaring mayroon itong laman na ilegal na droga.

Sa ginawang physical examination ay nadiskubre ang walong brown heat-sealed plastics na naglalaman ng hinihinalang shabu at idineklarang “dry food”.

Ang kargamento ay dumating sa Port of Clark noong December 17, 2023 galing California, USA.

Dahil dito ay nagkasa ng controlled delivery operation ang BOC at PDEA sa Cavite at doon naaresto ang lalaking claimant.

Sa pagtaya ay nasa P56,069,400 ang halaga ng mga ilegal na droga.

Nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC sa shipment dahil sa paglabag sa R.A. No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) kaugnay sa R.A. No. 9165. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *