Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 193 kilometers southeast ng Balut Island, sa bayan ng Sarangani, 2:42 ng hapon ng Martes (Dec. 26).
May lalim na 145 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng naturang lindol. (DDC)