VP Sara Duterte pinag-iingat ang publiko sa mga nangingikil ng pera na gagamitin umano sa kampanya
Pinag-iingat ni Vice President Sara Duterte ang publiko sa panibagong scam na gumagamit ng kaniyang pangalan para makapangikil ng pera.
Sa pahayag sinabi ni VP Duterte na mayroong nagpapakilala bilang kawani ng Bureau of Customs (BOC) o ‘di kaya ay iba pang ahensya ng gobyerno.
Pakay aniya ng mga ito na makakuha ng pera at magdadahilan na ang pondo ay gagamitin para sa kampanya.
Ani VP Duterte, ito ay isang scam.
Sinabi ng bise presidente na wala silang inutusan na sinuman para manglikom ng pera para sa pulitika o kahit na anong klaseng gawain o layunin.
Paalala ni VP Duterte sa publiko, huwag magpaloko, at agad na i-report sa pulisya ang mga ganitong aktibidad. (DDC)