Dagdag na seguridad sa PITX inirekomenda ng MMDA
Inirekomenda ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Usec. Procopio Lipana ang pagkakaroon ng dagdag na seguridad sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa ParaƱaque City sa isinagawang pag-inspeksiyon kasama ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police sa naturang terminal kahapon, December 21.
Partikular na inirekomenda ni GM Lipana na magkaroon ng karagdagang seguridad bago ang pagsakay ng mga pasahero sa bus.
Kahapon ay nasa 121,000 ang naitalang dami ng pasahero sa PITX.
Sinabi rin ni GM Lipana na simula alas-10:00 ng gabi ng Disyembre 22 hanggang Enero 2, 2024 ay papayagang dumaan sa EDSA ang mga provincial buses.
Ang mga provincial bus na mula North Luzon ay dapat mag-terminate ng kanilang biyahe sa Cubao, Quezon City habang ang mula naman South Luzon ay kinakailangang mag-terminate ng kanilang mga biyahe sa mga bus terminal sa Pasay City.
Ayon pa sa MMDA, ang hakbang na ito ay para ma-accommodate ang inaasahang dagsa ng mga pasaherong uuwi sa kanilang probinsya ngayong holidays. (Bhelle Gamboa)