DOH nakapagtala na ng apat na kaso ng fireworks injuries

DOH nakapagtala na ng apat na kaso ng fireworks injuries

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng apat na kaso ng fireworks-related injuries.

Ayon sa datos na inilabas ng DOH, pawang mga bata ang nasugatan sa unang apat na kaso at ang mga ginamit na paputok ay boga, 5-star at piccolo.

Bunsod nito ay nanawagan ang DOH sa mga otoridad, LGUs, at mga ahensya ng gobyerno na paigtingin ang kampanya laban sa paputok.

Sa panig ng mga otoridad, sinabi ng DOH na mayroong batas sa bansa na dapat ipatupad upang maharang ang pagbebenta ng ilegal na paputok.

Hinikayat naman ng DOH ang mga LGU at barangay leaders na mag-organisa ng controlled fireworks display para sa ligtas na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Sinabi din ng DOH na may malaking gampanin din ang mga magulang sa pamamagitan ng pagbabantay sa kanilang mga anak upang matiyak na hindi sila nakahahawak ng paputok. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *