Bagong mga opisyal ng Liga ng mga Barangay sa Las Piñas nanumpa sa kanilang tungkulin

Bagong mga opisyal ng Liga ng mga Barangay sa Las Piñas nanumpa sa kanilang tungkulin

Nanumpa na sa kanilang tungkulin ang mga bagong opisyal ng Liga ng Mga Barangay sa pangangasiwa nina Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa isang seremonya sa city hall kamakailan.

Ang nasabing kaganapan ay nagmarka ng bagong antas ng pamamahala at pagbabago sa barangay kung saan buong pusong nangako ang mga barangay captain ng Las Pinas sa paglilinya ng kanilang mga hakbang sa parehong local at national development plans.

Kabilang sa mga pangunahing katungkulan ng Liga ng mga Barangay ay ang pagpaprayoridad sa komprehensibong pangkaunlarang proyekto na kaisa sa mga polisiyang nasyunal,pagpapabuti ng partisipasyon ng komunidad sa lokal na pamahalaan, patuloy na kolaborasyon sa gobyerno at non-governmental organizations (NGOs) upang suportahan ang panlipunan,ekonomiya at pulitikal na kapakanan ng mga residente sa barangay.

Ang ganitong mga inisyatibo ay naglalayong mabigyan ng karapatan ang mga residente, isulong ang civic engagement, at siguruhing nakaugnay ang mga hakbang para sa ikasusulong ng komunidad.

Ang mga bagong opisyal ng Liga ay sumasagisag ng isanv hakbang tungo sa mahalagang pamamahala at pagpapaunlad ng lokal na komunidad sa Las Pinas.

Tututukan ng Liga ang ukol sa edukasyon,ugnayang pangkomunidad, at komprehensibong kaunlaran na inaaasahang maghahatid ng mahalagang pagganda ng antas ng pamumuhay sa barangay, at pagpapatibay sa pangako ng Las Piñas City na progresibo at mabuting pamamahala. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *