Expanded number coding suspendido sa Dec. 25, Dec. 26 at Jan. 1
Suspendido ang pag-iral ng number coding sa mga nalalabi png araw na deklaradong holiday.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang number coding sa mga sumusunod na araw:
• Lunes, Disyembre 25, Christmas Day
• Martes, Disyembre 26
• Lunes, Enero 1, 2024, New Year’s Day
Paalala ng MMDA sa publiko, planuhin ang pagbiyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho. (DDC)