Siyam na Pinoy artists kinilala bilang “Manlilikha ng Bayan”
Inilabas ng Malakanyang ang Proclamation No. 427 na nagdedeklara sa siyam na Filipino Artists bilang “Manlilikha ng Bayan” para sa taong 2023.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. proklamasyon na nagdedeklara sa siyam na siyam na artists bilang “Manlilikha ng Bayan for 2023” bilang pagkilala sa husay.
Sa dalawang pahinang proklamasyon na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin kinilala ni Pangulong Marcos bilang “Manlilikha ng Bayan for 2023” ang mga sumusunod:
– Adelita Romualdo Bagcal
– Abina Tawide Coguit
– Sakinur-ain Mugong Delasas
– Bundos Bansil Fara
– Marife Ravidas Ganahon
– Amparo Balansi Mabanag
– Samporonia Pagsac Madanlo
– Barbara Kibed Ofong
– Rosie Godwino Sula
Ang siyam ay kinilala sa kani-kanilang mga larangan.
Kabilang dito ang Oral Traditions,
embroidery, traditional dance, brasscasting, mat weaving, beadworks, at iba pa. (DDC)