Protocols sa emergency response at police investigation dapat rebisahin matapos ang pagkalat ng video ng yumaong aktor na si Ronaldo Valdez
Kinondena ng Quezon City Local Government ang pagkalat ng video na kuha sa bahay ng aktor na si Ronaldo Valdez ng ito ay pumanaw.
Sa pahayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, sinabi nitong “breach of privacy” ang ginawang pagpapalakat ng nasabing video.
Inatasan na ni Belmonte si QC Police DIstrict PBGen. Redrico Maranan na imbestigahan ang lahat ng pulis na sangkot at patawan ng karampatang parusa.
Sinabi din ni Belmonte na dapat marebisa ang mga pinapairal na protocols sa pagsasagawa ng emergency response at mga imbestigasyon.
Dapat aniyang maingat na gawin ang mga police procudere kasama na ang pagkulekta ng mga ebidensya nang hindi nalalabag ang principles of trust, professionalism, at confidentiality.
Nanawagan naman si Belmonte sa publiko na huwag ng ipakalat pa ang video.
Ito ay bilang pagrespeto sa privacy at dignidad ng yumaong aktor at kaniyang pamilya.
Nagpaabot di ng pakikiramay si Belmonte sa mga naulila ni Valdez. (DDC)