P5.268-trillion national budget para sa susunod na taon nilagdaan na ni Pang. Marcos
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang General Appropriations Act of 2024 o ang pambasang budget para sa susunod na taon.
Ang national budget para sa taong 2024 ay nagkakahalaga ng P5.268-trillion.
Sa kaniyang speech sa isinagawang ceremonial signing sa Malakanyang, sinabi ng pangulo na ang budget ay magagamit, hindi lamang para sa operasyon ng gobyerno, kundi para tugunan din ang pangunahing hamon sa bansa at ekonomiya.
Ibinahagi din ni Pangulong Marcos ang mahahalagang prayoridad ng budget tulad ng seguridad sa pagkain, edukasyon, kalusugan, social protection, pagbabago ng klima, at regional development.
Binigyang-diin din ng pangulo na dapat iwasan ng mga ahensya ang red tape.
Pinaalalahanan nito ang mga ahensya na pahalagahan ang responsable at legal na pagpapatupad sa mga programa para sa mamamayan. (DDC)