City LGU, Aivee group nagbigay ng derma care sa mga residente ng Las Pińas

City LGU, Aivee group nagbigay ng derma care sa mga residente ng Las Pińas

Pinangunahan ng Aivee Group, isang kilalang dermatologist clinic sa bansa, ang isang medical service para sa mga residente ng Las Piñas City nitong December 8, 2023.

Isinagawa ang nasabing medical mission sa Verdant Covered Court ng Barangay Pamplona Tres ng nasabing lungsod sa pamumuno ng kilalang dermatologist na si Dr. Aivee Aguilar-Teo.

Tinawag ito na “Beauty Beyond Borders”, katuwang nito ang City Local Government ng Las Piñas, ayon kay Dr. Aguilar-Teo.

Batay sa tala ng Las Piñas LGU, mahigit 400 na mga residente ang nabigayan ng comprehensive dermatological services, tulad ng free consultations, minor surgeries, skin tag cautery, at cyst removals.

Maliban dito, nabigyan din sila ng essential medical supplies tulad ng vitamins, dermatological medications, at gift packs.

Dumalo sa nasabing aktibidad, sina City Vice Mayor April Aguilar, Dr. Aivee Aguilar-Teo, Dr. Z Teo, Alelee Aguilar-Andanar, at Alexa Andanar, kung saan lalo pa nilang nabigyan ng importansya ang nasabing community-driven projects.

“As residents of Las Piñas continue to face diverse health challenges, initiatives like “Beauty Beyond Borders” play a crucial role in ensuring that essential medical services reach those in need. The success of this event sets a precedent for future health outreach programs, demonstrating the positive impact of collaboration between medical groups and local government in enhancing community well-being”, ayon kay City Vice Mayor April Aguilar.

Sinabi naman ni Dr. Aivee Aguilar-Teo na ang “Beauty Beyond Borders” project ay nagpapakita dedikasyon ng Aivee Group para sa accessible healthcare.

Nagpapakita din anya ito ng supporta ng Las Piñas local government na magkaroon sila ng mas malusog na kumunidad.

“This event not only addressed immediate health concerns but also raised awareness about the importance of skin health, a vital aspect often overlooked in community health”. Saad pa niya.

Ito rin anya ay isang repleksyon ng adbokasiya ng Aivee Group na makapagbigay ng healthcare sa mga kumunidad. (Noel Talacay)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *