Oras ng biyahe ng MRT-2, LRT-1 at LRT-2 pinalawig uang matugunan ang dami ng pasahero
Inutos ni Transportation Secretary Jaime Bautista na palawigin ang oras ng biyahe ng MRT-3, LRT-2, at LRT-1 dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
Simula ngayong araw, Disyembre 20 hanggang Sabado, Disyembre 23 ay mas mahaba ang oras ng operasyon ng tatlong rail lines.
Ayon kay Bautista, ang extended operating hours ng mga tren ay bilang tugon sa pangangailangan ng masasakyan ng mga pasahero ngayong Christmas rush.
Para sa MRT-3, 10:30 PM ang extended last trip schedule sa North Avenue Station mula sa original last trip schedule na 9:30 PM, habang 11:05 PM ang extended last trip schedule sa Taft Avenue Station mula sa original last trip schedule na 10:09 PM.
10:45 PM naman ang extended last trip schedule sa LRT-1 Baclaran Station ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) mula sa original last trip schedule na 10:00 PM, at 11:00 PM ang extended last trip schedule sa Fernando Poe Jr. Station mula sa original last trip schedule na 10:15 PM.
Samantala sa LRT-2, 10:00 PM and extended last trip schedule sa Antipolo Station mula sa original last trip schedule na 9:00 PM, at 10:30 PM ang extended last trip schedule sa Recto Station mula sa original last trip schedule na 9:30 PM. (DDC)