Unang test run sa Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension project, nakumpleto na

Unang test run sa Phase 1 ng LRT-1 Cavite Extension project, nakumpleto na

Nakumpleto na ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang unang test run ng tren nito sa kahabaan ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1.

Sa ginawang aktibidad ay nagkaroon ng
compatibility check at assessment sa linya ng Phase 1 ng extension project.

Kabilang sa tinignan ang train pantograph at Overhead Catenary System, train wheels at rail tracks, at gayundin ang platforms sa mga bagong istasyon.

Bahagi din ng serye ng test runs ang 2nd Generation train set.

Sa unang test run, pinatakbo lamang ang mga tren sa bilis na 4.5kph bilang bahagi ng safety precaution.

Sa mga susunod na linggo ay magsasagawa muli ng test runs kung saan isasama ang train generations ng LRT-1. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *