2023 Pamaskong Handog ng Las Piñas LGU sa mga barangay, sinimulan na

2023 Pamaskong Handog ng Las Piñas LGU sa mga barangay, sinimulan na

Bilang bahagi sa diwa ng pagbibigayan, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office ang kanyang taunang Pamaskong Handog para sa residente sa mga barangay sa lungsod nitong December 18.

Unang namahagi ang lokal na pamahalaan ng Christmas food packs sa mga residente sa Barangays Ilaya, Manuyo Dos, Pamplona Dos at Talon Singko ngayong araw.

Pinangunahan ni Vice Mayor April Aguilar ang nasabing pamamahagi ng gift baskets sa mga Las Piñero para sa pagpapamalas nito ng buong-pusong pakikiisa sa komunidad at pakikibahagi sa diwa ng kapaskuhan.

Ang nasabing okasyon ay parte ng pagdiriwang ng Pasko sa lungsod na layuning ikalat ang kasiyahan sa mga residente sa Las Piñas.

Inihayag naman ni Vice Mayor Aguilar ang kahalagahan ng okasyon na higit pa aniya sa pagbibigay ng regalo kundi pagpapamalas ng pagkakaisa sa komunidad at pagbabahagi ng kabutihan sa bawat isa.

Ang Las Piñas City government sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Imelda Aguilar ay nagsilbing instrumento sa pag-organisa ng ganitong mga okasyon na nakatuon sa pagkakaisa at magandang samahan sa komunidad.

Layunin ng Pamaskong Handog na ipakita ang pangako nitong magpadama ng saya at malasakit sa buhay ng maraming residente sa mga barangay sa lungsod.

Asahan ng Las Piñeros na tuluy-tuloy ang pamamahagi ng saya na hatid ng Pamaskong Handog sa iba pang bahagi ng Las Piñas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *