19 pang OFWs mula Lebanon, nakauwi na sa bansa
Mayroong labingsiyam pang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang dumating sa bansa galing ng Lebanon.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac, ito na ang ikaanim na batch ng mga Pinoy galing Lebanon na nakauwi sa bansa.
Sa kabuuan umabot na 101 na OFWs mula Lebanon ang natulungang makauwi sa pamamagitan ng repatriation program ng pamahalaan.
Ang mga OFWs ay sinalubong ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnell Ignacio at Migrant Workers Assistant Secretary Venecio Legaspi ng dumating sila sa NAIA Terminal 1 Martes (Dec. 19) ng umaga.
Gaya ng ibang umuwing OFWs, tumanggap sila ng financial, medical at psychosocial assistance.
Bibigyan din sila sa training at capability enhancement options mula sa mga ahensya ng gobyerno para makahanap sila ng bagong hanapbuhay at mapagkakakitaan. (DDC)