Malalaking sasakyang pandagat sa Davao City at Davao Del Sur pinayagan ng makapaglayag

Malalaking sasakyang pandagat sa Davao City at Davao Del Sur pinayagan ng makapaglayag

Pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na makabiyahe ang malalaking sasakyang pandagat sa karagatan ng Davao City at Davao del Sur.

Sa notice na inilabas ng Coast Guard Station Davao binawi na ang pinairal na suspensyon sa Sea Travel.

Ito ay kasunod ng paghina ng bagyong “Kabayan” na naging Low Pressure Area na lamang.

Kabilang sa pinayagan ng makabiyahe ang mga barko.

Paalala naman ng PCG, ang mga may maliliit na sasakyang pandagat kabilang ang motor bancas ay pinapayuhan pa ding manatili sa pantalan dahil delikado pa para sa mga ito ang pumalaot. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *