COVID-19 positivity rate sa NCR tumaas sa 21 percent
Mula sa 13.4 percent lamang noong Dec. 10 ay umakyat sa 21 percent ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, ito ang ikalimang pagkakataon simula noong taong 2020 na lumagpas sa 20 percent ang COVID-19 positivity rate.
Sa datos ng OCTA Research, karamihan sa mga kaso ay mild lamang.
Gayunman, nakapagtala din ng pagtaas sa bed occupancy rate sa mga ospital.
Samantala, ang nationwide COVID-19 positivity rate ay umabot na sa 15 percent.
Ito ang pinakamataas na naitala simula noong May 2023. (DDC)