Pang. Marcos nakakuha ng P14.5B na halaga ng investments sa kaniyang biyahe sa Japan
Umabot sa mahigit P14.5 billion na halaga ng investments ang nakuha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang biyahe sa Japan.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang mga nilagdaang kasunduan at pledges ay magbubukas sa 15,750 na job opportunities para sa mga Pinoy.
Ang pangulo ay nagtungo sa Tokyo para dumalo sa 50th Commemorative Summit of the ASEAN-Japan Friendship and Cooperation.
Kabilang sa mga sektor na tatanggap ng mga bagong investment ang industriya ng imprastruktura, business process outsourcing (BPO), retail, at electronics and ship manufacturing.
Ilan lamang sa mga kumpanya na nakipagkasundo na maglalagak ng pamumuhunan sa bansa ay ang Ibiden Company, Japan Aviation Electronics Industry, Marubeni Corporation, Medley Inc., Nitori Holdings at iba pa. (DDC)