FDA binalaan ang publiko sa pagbili at paggamit ng isang beauty cream na pampaputi
Nagpalabas ng Public Health Warning ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili at paggamit ng isang Beauty Cream na nagtataglay ng mercury.
Noong October 13, inalerto ng toxic watchdog na BAN Toxics ang mga consumer sa produktong Goree 24k Gold Beauty Cream na ibinebenta sa merkado.
Ayon sa BAN Toxics, ang naturang skin-lightening products (SLPs) ay nagtataglay ng mercury at delikado sa kalusugan ng publiko.
Ibinebenta ito ng P200 sa local market at makikita din sa online shopping platforms gaya ng Shoppe at Lazada.
Sa pagsusuri ng BAN Toxics, ang Goree 24k Gold Beauty Cream ay nagtataglay ng toxic mercury na aabot sa to 41,500 parts per million (ppm), lagpas ito sa allowable limit na 1 ppm na itinatakda ng FDA.
“We commend the FDA for issuing public health warnings against unnotified cosmetic products such as Goree Gold 24k Beauty Cream to prevent potential hazards from prohibited ingredients such as toxic mercury,” ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics. (DDC)