Mahigit 400 PDLs mula sa mga bilangguan sa Puerto Princesa City isinailalim sa assessment para sa social pension program ng DSWD

Mahigit 400 PDLs mula sa mga bilangguan sa Puerto Princesa City isinailalim sa assessment para sa social pension program ng DSWD

Isinailalim sa evaluation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office-MIMAROPA ang mahigit 400 senior citizens na nakakulong sa Maximum at Medium Security Compound ng mga bilangguan sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ito ay para matukoy kung kwalipikado silang mapasailalim sa social pension program ng kagawaran.

Sa pakikipagtulungan sa Bureau of Corrections (BuCor), nagsagawa ng assessment ang mga tauhan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa Puerto Princesa City sa mga persons deprived of liberty (PDLs) na may edad na.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Legislative Affairs at co-spokesperson Irene B. Dumlao, layunin ng proseso na makabuo ng listahan ng mga benepisyaryo at matiyak na ang mga mapapasamang senior citizens ay kwalipikado sa social pension program.

Sa ilalim ng programa, sinabi ni Dumlao na ang mga kwalipikadong senior citizens ay makatatanggap ng P500 kada buwan o P6,000 kada taon.

Umabot sa 449 na senior citizens mula sa Iwahig Prison and Penal Farm Central Station, Inagawan Sub Colony, Montible Colony, at Sta. Lucia Colony ang isinailalim sa assessment.

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay ibinibigay sa mga edad 60 pataas na mahina na, may sakit, may disability, walang natatanggap na pensyon o walang permanenteng source of income, walang sweldo o walang nakukuhang tulong-pinansyal mula sa kaniyang mga kaanak para masuportahan ang kaniyang mga pangangailangan. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *