Cash incentive matatanggap na ng 1.8 million na empleyado ng gobyerno

Cash incentive matatanggap na ng 1.8 million na empleyado ng gobyerno

Simula ngayong araw (Dec. 15) ay matatanggap na ng mga manggagawa ng gobyerno ang kanilang cash incentives matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaloob ng Service Recognition Incentive (SRI).

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman, aabot sa 1.8 million na manggagawa ng gobyerno ang makatatanggap ng SRI na nagkakahalaga ng P20,000.

Kasama dito ang mga empleyado sa Executive Branch kabilang ang mga nasa state universities and colleges (SUCs), at government-owned or controlled corporations (GOCCs) na regular, contractual o casual employees.

Gayundin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Sakop din ng mabibigyan ng SRI ang mga kawani sa Legislative at Judicial Departments, at local water districts. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *