Bagong Water Treatment Plant ng Maynilad, binuksan sa Muntinlupa City
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng Poblacion Water Treatment Plant (WTP) sa Muntinlupa City.
Ang WTP ay isang state-of-the-art, membrane-based water treatment facility na mayroong maximum design capacity na 150 million liters per day (MLD).
Ang pasilidad na pag-aari ng Maynilad Water Services, Inc. ay pinondohan ng P11 billion para maitaas ang suplay ng tubig sa mga consumer nito at matugunan ang tumataas na demand sa potable water.
Ang Poblacion WTP ang ikatlong pasilidad ng Maynilad na gumagamit sa tubig na nagmumula sa Laguna Lake.
Ang tubig na magmumula sa Laguna Lake ay dadaan sa multi-stage treatment process sa Poblacion WTP.
At mula sa pagiging raw water ang tubig galing sa Laguna Lake ay maaari ng i-suplay sa mga costumer ng Maynilad dahil makatutugon na ito sa Philippine National Standards for Drinking Water ng Department of Health (DOH).
Sa sandaling maging fully operational na ang pasilidad, maseserbisyuhan nito ang nas aisang milyong customer ng Maynilad sa Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Cavite.
Ayon kay Pangulong Marcos, napapanahon ang pagbubukas ng bagong Water Treatment Plant para sa pinaghahandaan na magiging epekto ng El Niño sa bansa sa susunod na taon.
Sinabi ng pangulo na mayroon pang dagdag na parehong pasilidad ang bubuksan din sa Mandaluyong, at sa Cavite. (Dona Dominguez-Cargullo)