Sa paghahanda sa magiging epekto ng El Niño, Pangulong Marcos tiniyak ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may sapat na suplay ng pagkain sa bansa hanggang sa unang bahagi ng susunod na taon.
Pahayag ito ng pangulo bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa magiging epekto ng El Niño.
Ayon sa pangulo, dapat na i-apply ang mga natutunang aral noong nagdaang pandemya ng COVID-19.
Dapat aniyang paghandaan ang suplay ng pagkain at tubig.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na puspusan na ang ginagawang hakbang ng gobyerno para paghandaan ang magiging epekto ng El Niño.
Sa kasagsagan ng epekto ng El Niño sinabi ng pangulo na dapat patuloy pa ding masuplayan ng tubig ang agriculture at industrial sectors, gayundin ang mga medical facilities.
Kamakailan ay inutos ni Pangulong Marcos ang paglikha ng Task Force El Niño upang matiyak ang kahandaan ng pamahalaan sa magiging epekto nito. (Dona Dominguez-Cargullo)