Lagay ng lansangan sa NCR binabantayan vs transport strike
Patuloy na binabantayan ng Inter-Agency Task Force Monitoring Team ang mga kaganapan at minomonitor ang mga lagay ng lansangan sa Metro Manila sa gitna ng isinasagawang tigil-pasada ng grupong PISTON ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman, Atty. Don Artes.
Aniya nasa mahigit 600 na rescue vehicles ang kanilang inihanda na agarang ipinapadala sa mga lugar na apektado ng transport strike.
Inatasan dn ni Atty. Artes ang mga MMDA traffic enforcers na paigtingin ang kanilang traffic management at pag-asiste sa daloy ng trapiko sa mga lugar na pagdarausan ng kilos protesta. (Bhelle Gamboa)