2 mangingisda nailigtas matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Quezon

2 mangingisda nailigtas matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa Quezon

Nailigtas ang dalawang mangingisda matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa bahagi ng San Francisco, Quezon.

Ayon sa Philippine Coast Guard Station Romblon, matapos matanggap ang report sa insidente, agad nagpadala ng mga tauhan lulan ng speedboat TEBEN at search and rescue boat sa lugar.

Nadatnan ng mga tauhan ng PCG ang dalawang mangingisda na sina Rolando Riano, 69 anyos at Meynard Riano, 37 anyos na tinulungan ng mga crew ng dumaraang cargo vessel na M/V SITC CAGAYAN.

Patungo dapat ang dalawa sa San Fernando, Romblon nang hampasin ng malalakas na alon ang kanilang motorbanca.

Pawang nasa maayos na kondisyon naman ang dalawang mangingisda. (Dona Dominguez-Cargullo)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *